Monday, May 29, 2006

Pork Chop Duo sa Dencio's

Last Saturday, I had dinner with some of my airsoft friends at Dencio's in Capitol Hills (? -- basta yung lampas ng Celebrity Sports Place --- great date place, diba Roms?). After getting drenched in the rain and gorging on sisig, crispy pata, and nilagang baka, nag-umpisa ng magkwentuhan. Here are the two best stories at our end of the table.

------------------------------------------------

FIRST: The UPCAT Kuwento (as narrated by RG)

"Tanda nyo ba nung 'pag nag-UPCAT e titignan nyo sa Palma Hall yung results? Kasama ko dad ko noon nung i-c-check namin yung results ng UPCAT ko. Grabe... sa labas pa lang may mga nakikita kang umiiyak o natahimik... nakakaawa na lalo yung mga galing probinsya pa para i-check lang kung pumasa sila kasi for them it's either State U-or-nothing."

"Well anyway, so punta ako sa Palma Hall para i-check kung pumasa ako. Yung dad ko naiwan sa kotse; naka-hazard lights nga lang siya e. So akyat ako tapos punta sa listahan..."

"R.... R.... Reyes... Reyes... Reyes.... YES!!!" (makes a mime action of scanning the list then pumps fist in the air as if rejoicing)

"So labas ako ng Palma Hall ng nakangiti and feeling proud ang lakad. Feeling ko nga yung mga katabi ko dun na tumitingin sa listahan eh iniisip nila 'Yabang naman nito porke nakapasa'.... Sakay ako sa kotse."

" 'O, pumasa ka?' tanong ng Dad ko sa kin. Sabi ko, 'Hindi.' 'Eh bakit ka nakangiti?' 'Eh kasi naman nakakahiya diba kapag pinakita ko dun na iiyak-iyak dahil di ako pumasa. At least umalis ako dun with pride and dignity intact."

Hahahahaha...

Note: RG, or Jugs, or Regulo Generoso Reyes, is an ID # 93xxxxx from DLSU. He runs his own water business and USED to play airsoft. We eagerly wait for his comeback to the game.

--------------------

SECOND: The KULANGOT kwento (as narrated by Miks)

"Alam nyo ba na merong mga tao na nag-d-drive eh feeling nila di sila nakikita ng ibang tao kung ano yung ginagawa nila sa loob ng kotse?

One time kasi nag-d-drive ako... so tingin-tingin ako left and right. Tapos may nakita akong isang mama na..." (makes nose-picking action)

"At hindi lang yun! Tipong yung (makes nose-picking action uli) eh yung parang kaloob-looban ng ilong nya eh gusto nyang maabot (makes deep nose picking action)! Naku eh pag pinilit pa nya lalo tipong utak na nya yung makukuha nya.

[At this point sobrang tawa na kami ng tawa]

And... sandali quiet makinig kayo... and hindi pa dun tapos. Binaba nya yung bintana nya and (makes flicking action with fingers)."

[Tawa uli kami]

"Meron pa siyang isang ginawa... Pagkatapos nun eh (makes action as if nagbubunot ng buhok sa ilong mag-isa using fingers lang). Dude-pare, kukuhaan ko sana ng video pa nga e. Kunwari eh tumatawag ako sa phone ko pero yung camera ng phone eh nakatapat sa kanya..."

Wahahahahahaha....

Note: Miks, or Mikko Yap, is a Makati-based yuppie who was also one of the original members of the mainstream local band Parokya ni Edgar. He specializes in single-shot 'kills' in airsoft.

-----------------------

Postscripts:
(1) First-time kong maka-friendly fire sa airsoft. Syo and Ver, soriposoriposoripo. =D
(2) One of these days, babawi ako kay Miks. Courtesy of his sniping skills, I've a black-and-blue mark at my inner thigh, very close to my 'future'.
(3) And lastly, apparently it's an all-time record for TMS attendance on the weekend's game. Dami namin!

Photobucket - Video and Image Hosting

No comments: