Tingininingining kumpanya at project 'to.
Nakngtokwa naman o... kahit anong plano talaga gawin ko para sa bakasyon ko di talaga masunod!
Background: Meron akong 3000 euros worth of travel credits. Napalanunan ko sa isang project na pinaghirapan ko (note: iniyakan ko 'tong project na 'to dahil angtaas ng expectations ng management eh wala naman silang binibigay na training sa 'kin. para bang pinaghuhukay ka ng balon pero kutsarita lang ibibigay sa 'yo. 'kala nila siguro superwhizkid ako. leche.)
Original plan: Bakasyon sa Australia ng end-April for two weeks.
What happened: Had to postpone it to 1st week of May dahil sa lecheng project na binigay sa 'kin. But more and more items emerged, so ni-postpone ko siya uli to 4th week of May. Di pa rin pwede, dahil may mga business trips. Finally settled on last week of June and 1st week of July. Medyo nahihiya nga ako sa parents ko dahil isasama ko sila. Proud sila that their son will be able to bring them to Australia, and they were very excited about it.
What happened 30 minutes earlier: Sabi ni boss, i-cut-short ko daw yung bakasyon. May kelangan asikasuhin yung project on the 1st week of July. Hindi daw pwede i-delegate sa iba.
Pota... so much for rewards and recognitions kung di mo naman magamit kung kelan mo gusto.
I am entitled to take leaves when I want it.
Di pa ko nagbabakasyon simula nung shutdown duty namin.
Di ko man lang naramdamang mag-enjoy sa beach ngayong nakaraang summer.
Ilang linggo na kong di umuuwi namin sa Manila (8 weeks and counting?). Parents ko na nga ang lumuluwas sa kin dito para makita lang ako. I skipped mother's day and will be skipping father's day too.
Halos mabaliw na nga ako sa puyat nung 2 linggong nakaraan. Buti na lang nung nakaraang Sabado e lumuwag schedule ko. 20 hours straight akong tulog nun, bumawi yung katawan ko sa puyat.
Curse this project.
Curse the management.
And akala ko hindi ko 'to masasabi, pero right now i think it's very appropriate: Curse the company!
Punyeta.
Thursday, June 15, 2006
Mainit ang Ulo Ko
conjured by stip at 2:22 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
kitkat stip? :)
haha... seriously i do need a break.
Stip we need to talk.
Mark Stevens
=D
Post a Comment