Monday, September 05, 2005

Welcome!

1.
Welcome ANIMAX! Yessawakas!! May ANIMAX na rin sa cable subscription namin dito sa Batangas. Matagal na kong nagdadasal na sana magkaroon ng ANIMAX either dito sa pad ko sa batangas, o sa bahay namin sa Cavite, o sa bahay namin sa Baclaran...

Pwede na kong magbabad sa TV kung wala akong mahanap na magawa rito.

Mahilig talaga ako sa anime... wala akong ispesipik na kinahihiligan na anime... ang sa akin e basta maganda yung animation at maganda yung kuwento, sige nood! Marami na nga yung mga nabibili ko na anime para sa koleksyon ko e (hoy! hindi ako bumibili ng hentai ah..... nanghihiram lang ahihihihi...).

Mahilig kasi talaga ako sa role-playing, at yung mga characters na pinapakita sa mga anime cartoons na pinapanood ko eh yung mga gusto kong i-role-play. Angdami ko na ngang sinubukan eh:

Sinubukan kong pumatay ng mga butiki gamit ang reigan;
Sinubukan kong makapasok sa loob ng bar gamit ang dimensional spirit sword. di ako makapasok dahil di ko sinunod yung dress code;
Sinubukan kong mag-summon ng bughaw na dragon;
Sinubukan kong maging imbisibol;
Sinubukan kong itigil ang lahat ng giyera sa mundo gamit si Gundam Justice.

Pero lahat walang epek. Kahit magkulay-asul na yung litid sa leeg ko at umaagos na yung pawis ko, ni mapaurong ng katiting yung lapis na nakalapat sa mesa ko eh hindi gumagalaw.

So the next best thing ay ang manood na lang ako ng anime. Hehehehe. Baka sakaling dun ko mapulot ang aking nakatagong super-powers at ang aking naghihintay na destiny. Hakhakhakhak...

2.
Welcome iTrip!

Yahoo, I finally got my iTrip for my iPod mini.

It's a supercool gadget that allows me to play my iPod mini over a radio station (like in my car) or on a radio-component (like oru home entertainment system).

Kewlness!

3.
Welcome TMS!

... hmmm... inabutan ako ni mad ng patch ng Team Mission Specific nung biyernes. Tapos ang buhay lonewolf ko sa ersop. Is that a good thing or a bad thing? Tantya ko (and expectations ko rin), it's for the better. Better for myself as an individual and as an ersop player.

Sabi nga ni jayjay (na nag-alok sa kin na sumali sa RBG squad pero hindi ako nag-commit; ngiti-ngiti lang ako): "Congrats stip! You're with a great team. At least we lost you to TMS." Jayjay, no offense I hope. Anyway sabi ni tinters labs mo naman daw ako.

Ngayong tanghali, may mahigit isang dosena akong text messages sa phone ko, puro "Welcome Stippy!" ang bati. Sweet naman nila... kahit di ko pa ma-identify kung sino-sino sila na bumati sa 'kin, hehehe.

Pero may mga warning din sila sa kin na wag ko daw pupulutin yung sabon pag nasa likod ko daw si mikko. Now that's a bad thing....

Siya, thanks guys for the welcome! See you at the battlefield soon! Saka na yang libre-blowout-press conference. Teka, ilan ba silang lahat para ma-budget ko yan?

Yup, meron akong i-p-press-conference... bwahahahaha! Nope, wala pa kong gelpren ngayon. Ito yung marami ng nagtatanong sa 'kin tungkol kay ... at ... . :D

Happy Monday!

No comments: