Tuesday, June 02, 2009

Isang Gabing Malakas ang Ulan sa Isla ng Calaguas

Alas diyes medya ng gabi. Di ko na matandaan kung naka-ilang tagay na ko ng pinaghalong Ginebra San Miguel at mango juice na inaabot sa akin nila Rex, Emer, Ayla, Cha, Ti at ng kung sino-sino pa na hindi ko na matandaan ang pangalan. Nagsimula ang pag-inom ng alak ng mga dakong ika-tatlo ng hapon. Tumigil ako sa pagbilang ng aking nainom sa aking ika-labing-isang baso (at may araw pa noon). Ako ay nasa isla ng Calaguas, mga tatlong oras ang layo mula sa Camarines Norte. Kasama ko sila Jay at Emer, at kami’y sumama sa limampu’t pitong ibang tao na hindi namin kakilala ngunit may interes katulad namin na makita at makarating sa Calaguas.

Iyan ang aking huling natatandaan ng gabing iyon. Sinabi na lang sa akin ni Jay kinabukasan na matapos kong inumin ang huling itinagay para sa akin, bigla na lang akong tumayo, naglakad pabalik sa aming tent at humiga.

Patay daw ako sa mundo… sinubukan nila akong gisingin ng mga bandang alas onse y medya dahil hindi nila malaman kung paano papatayin ang ilaw na nakasabit sa loob ng aming tent.

Lumipas ang gabi. Nagising ako sa malakas na buhos ng ulan. Ramdam ko pa rin ang epekto ng alkohol sa aking katatagan. Ako’y na-alala sa kondisyon ng aming tent kung kakayanin nito ang napakalakas na buhos ng ulan. Bumangon ako at sinarado ang mga zipper ng bintana ng aming tent para kami’y hindi bahain --- hindi madali ang gawin iyon kapag ikaw ay ganap na lasing at ang mga kasama mo as loob ng tent ay lasing din at mga walang malay.

Sa wakas nasarado ko rin ang mga bintana ng tent. Umupo ako saglit sa aking hinihigaan. Inalam ko kung anong kondisyon namin as loob. Ang tent na dala namin ay hindi pang-bagyo. Napansin kong may tubig na pumapatak kay Jay. Sa gilid ko naman ay pakonti-konting umiipsi ang tubig galing sa labas, ganoon din malamang sa gilid ni Emer. Sa aming paanan ay nag-uumpisa ng magsidla ang tubig. Pinakiramdaman ko ang ulan at ang aming sitwasyon. Alas-tres pa lang ng madaling-araw. Kung magtuloy-tuloy ang ulan, ang pinakamasama ng mangyayari ay basa lang ang aming paanan at ang kasama naming si Jay pagdating ng umaga. Humiga na ko uli para ituloy ang aking pagtulog. Sumasakit na ang ulo ko as aking ilang sandaling pagbangon.

Wala pang sampung minuto ang nakalilipas, ako ay nagulantang at napaupo as mga boses na nagsisigawan mula as aming katabing tent.

Boses 1: HAAAAAAAAA!!!

Boses 2: (nagising) ANO YUN ??!!!! PARE, BASANG-BASA NA TAYO DITO SA LOOB, PARE !

Boses 3: PAKSYET! ANG LAKAS NG ULAN!

Boses 1: HAAAAAAA!!!! MAY INSEKTO DITO SA LOOB NG TENT, PARE!

Boses 3: ASAAN?!

Boses 2: ETO FLASHLIGHT!

(maaaninag mula sa loob ng aming tent na nagbubukas ng kanya-kanyang flashlight ang mga tao na nasa kabilang tent)

Boses 2: ASAN NA YUNG INSEKTO?

Boses 1: ANDYAN LANG YAN, PARE! HANAPIN NYO!

Boses 3: ASAN?

Boses 2: AYUN! AAAAAAAAAHHHHH!M

Boses 1 and 3: AAAAAAHHHH!!!

Boses 2: PATAYIN NYO YUNG INSEKTO! PALABASIN NYO YUNG INSEKTO!

Boses 1: PA’NO NAGKAROON NG INSEKTO DITO SA LOOB NG TENT NATIN?!

Boses 3: AYUN! MAY MALAKING BUTAS YUNG TENT NATIN! KELANGAN NATING TAKPAN! AAAAHHH!!! YUNG INSEKTO, PARE! SINONG MAY PANTAKIP NG BUTAS??!

Boses 2: ETO PARE, MAY SINULID AKO!
….

..
.

Napahagikhik ako sa aking mga narinig. Medyo pumipintig pa rin ang aking batok at noo sa kalasingan. Tuloy pa rin ang sigawan ng mga magkakasama sa kabilang tent, pero hindi ko na hinintay ang kanilang pagtatapos dahil ginusto ko ng matulog uli.


------

Went on a roadtrip to Daet (Camarines Sur) over the weekend and joined the TravelFactor group for their Calaguas Island ultimate beach bumming experience. Calaguas Island is great, though its one destination (for me) that is only worth visiting once in your lifetime. The sand is nice and the water’s warm, but the hassle of getting there and doing everything beach-camping style doesn’t make it tourist-friendly. Calaguas’ beaches are at par with White Beach of Puerto Galera.

It’s the TravelFactor group which made the whole trip enjoyable, amusing and fun. Really friendly bunch of people.

No comments: